|
Pagdiriwang, Panawagan: LGBTQIA+ nagtipon sa magkasunod na Pride March sa UPD
Litaw na litaw ang mga matitingkad na kulay ng bahaghari sa ilalim ng makulimlim na kalangitan at buhos ng ulan — imaheng kakambal ng sigaw ng LGBTQIA+ para sa tunay na hustisya, kalayaan, at karapatang-pantao, na nangibabaw sa ingay ng lipunang hindi pa tuluyang ganap ang mga ito.
Iba’t ibang bersyon ng eksenang ito ang nasaksihan sa magkasunod na Pride March na ginanap sa UP Diliman noong Hunyo 27 at 28. Sa buwang ito ginugunita ang Pride Month, kung saan tinatangi ang mga inklusibong gawain at pamamayagpag ng suporta para sa LGBTQIA+ sa laban nito tungo sa pantay na pagturing at pagkilala.
|